the waterfall neva stops --- like my fwenship 4 you
Kahit sino na nalalantayan ng sining sa kanilang dugo ay ganyan ang nararamdaman para sa kanilang mga panauhin kapag sila'y nagtatanghal. Nang marinig ko ang unang tawanan sa palabas ng "April Rose", nakuha ko na ang aking premyo sa sakripisyong ibinuhos ko para sa proyektong iyon. Wala na akong ibang bayad na hihingin pa.
Bago pa man ipalabas ang japeks kong chinovela na pinamagatan kong "April Rose" ay pinapagalitan na ako ng mga barkada ko. Sa akin kasi in-assign ito. Sinasabi sa akin ng mga barkada ko na hindi ko daw dapat gawin yan kesyo ganito at kesyo ganyan. Tignan nyo ngayon kung sino ang pinapalakpakan!
Marahil ay iisipin ng marami na nago-overreact ako. Hindi. Natural lang na masaya ako. Ako ang nagtrabaho mula sa konsepsyon ng 12-minuto kong pelikula. Ako ang sumulat ng script, nag-isip ng camera angles, nag-edit ng video, kasama ko din si Jose sa proyekto. Pero mygurrd... Salamat sa akin! Pag may nag-request sa akin ng pangalawang part ng "April Rose" ay hindi dalawang isip kong tatanggapin.
T'wing gumagawa ako ng mga ganitong project, hindi ako nanghihina. Sa totoo'y nanlalata ako sa puyat sa pag-eedit ng video, sa pagod, pero pagkatapos ng lahat, lalong lumalakas lang ang loob ko. Mas nagiging interesado ako sa susunod na proyekto ko. Trabaho nga yata ito ng isang martir... Nag-away pa nga kami ni Francia dahil dito, pero nanindigan ako. Sa akin nya in-assign ang trabahong ito, inaangkin ko ang proyektong 'to, gagawin ko ang kinakailangan para maganap ang lahat ng gusto ko.
Samu't-saring reaksyon ang dumating sa akin, ngunit lahat ay nakapag-panatag ng aking loob. Nakakatuwa, astig, masaya, bitin. Ngayon lang din ako nakapag-assert ng aking posisyon. Napatunayan ko iyon noong nag-away kami ni Francia tungkol dun sa dubbing na gagawin namin. Naisip ko na lamang ang sinabi ni Emman sa akin: "If you want something done good, do it yourself."
at 1:01 PM
about you
Tin
matanda na ko
engaged to be married
gush---the cry of the waterfaLL
i lovethe water